October 27, 2005
Caeca invidia est (Bulag Ang Inggit)
nakita ko si Jimbo
hithit-buga sa may Starbucks
Putsa naka porma pa!
galit ako sa kanya...
inggit sa usok na kanyang nilalaro
inggit sa kapeng iniinom nya.
di ko afford e...
ilang Lucky Me! pansit canton din un ano?!
ang gara ng cellphone nya...
ako e naka-pako na sa 6110
ung di na tumutunog
at kung magvibrate e lumulundag-lundag pa
asar ako sa kanya
pero bakit?
dahil mayabang siya?
o dahil wala ako ng mga meron siya?
INGGIT
sabi nga nila...
sama loob ko!
bakit ba naghahanap ako ng problema?
gastos...
di na kailangan,
ngunit masarap,
kasabay man nito
ay matinding hirap.
Posted by yabs on October 27, 2005 at 06:38 AM | Comments
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.