ANG SEXCAPADES NI BERNARDO
Pumasok po ako ng call center. Siguro mga 9 na buwan nang nakalipas. Punong puno pa ako ng lakas ng loob at tapang noon. Pakiramdam ko kasi sandali lang e aangat na buhay ko. Ilang buwan at ilang milyong puting buhok na ang nabunot ko sa ulo ko dahil sa kunsumisyon at nadito parin ako NAKAPAKO. Madalas kong marinig ang "Magaling ka naman e. Konting hintay na lang at ikaw na ang susunod." Madalas itong kasunod ng pag-angat ng ibang ahente na dati-rati'y tinuturuan at tinutulungan mo lang. Putsa ang bilis ng buhay! akalain mo, dati ikaw ang tinitingala nila. Ngayon di mo na sila ma-reach. Sir ang tawag nila sa'yo noon. Ngayon "Boss" mo na sila. Karamihan ng kasabay mong aplikante noon, mga "ka-wave" ika nga, ay nagsialisan na o kaya ay umangat na. Muling ipapaalala sa'yo na magaling ka at nagtataka sila kung bakit andito pa rin ako tiga-linis ng bulilyaso ng mga tiga ibang department. Nagtataka sila... NAGTATAKA. Ako kaya? Ako di na nagtataka. Maraming dahilan. Maraming paraan. Wala nga lang para sakin. Manatili man ako dito... magsasaya ako. Kasi habang sila tumataas ang sweldo, umaangat ng todo, Ako, tumataas ang kilay at nagaaltapresyon na. Inaagiw na ako dito. Nababaliw na siguro ako dahil masaya pa rin ako dito. Pabata ng pabata ang mga kasama ko. Pero padami ng padami ang kakilala ko. habang dumadami ang kaaway ng mga umangat na. Ako dumadami ang kaibigan. Inggit ako sa kanila pero ako di ko nakakalimutan and pinanggalingan ko. Andito pa kasi ako e... Napansin nyo, walang pinatunguhan ang binasa niyong ito... Tulad ko di ba?
PS: walang kinalaman ang titulo nito sa kuwento ko. Ginawa ko lang para basahin niyo ito.
***Some Facts Have Been Changed Or Omitted For The Sake Of Art. Atsaka just in case mabasa ito ng mga bisor ko di ako mapahamak. Hehehe***
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.