Araw ng Kalayaan?





M
anhid sa pagbaba ng kalidad ng buhay
Na noon ay iaasam…
Mapa
gsamantala ang tao
Yan ay katotohanan.

Ngunit maraming ayaw tanggapin
Ang kalokohang laganap sa mundo.
Nagbubulag-bulagan at nananatiling tahimik
Binbanaon sa limot.

Pero bakit kapag sila…
Ang mga taong dati’y bulag,
Dati’t pipi,
Dating ulyanin…

Malamangan lang ng kahit kaunti
Nagagalit... nagrereklamo
“Ang sistema’y hindi makatarungan!”

Nakakatawa ay nakakabahala ang pagiisip
Ng modernong tao.
Ang taong takot magsalita at mistulang bulag
Ay walang karapatang maglabas ng hinaing.

Bukasan ang isip at matutong magpahiwatig.
Duwag ang mga hudas sa ingay ng sariling gulo.
Dito sila matatalo…
Sa mundong may boses. Sa mundong may mata.

Sa mundong may puso.

 

Currently feeling: Patriotic
Posted by yabs on June 14, 2006 at 06:23 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.