October 29, 2006
YUN ANG PAG-IBIG
Naalala ko ang "Puno't Dulo ng Pag-ibig" nakakatuwang maisip na ang
katotohanan pala ang kaisa-isang bagay na kahit bali-baliktarin mo e
nakaka-iyak na nakakatawa.
Minsan tuloy mapapansin mo na bawa't tulo ng laway, lobo ng sipon o
talisod ng taong mahal mo ay nagpapalakas lang ng pag-ibig niyong dalawa.
Lalabanan mo ang kahit na sino makapagsama lang kayo ng bansot,
mayabang at nakakalbo mong boyfriend o kaya'y ang peklating, maskuladong,
pilya mong girlfriend. "O pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang
lahat..." ika nga. Love is blind sabi ng iba (Diyos ko, napakatotoo!). Tapos
pag nag-away kayo o nag-hiwalay magmumuryot ka sa isang sulok na parang
naluging Pakistani.
Paksyet ha. Noong nagliligawan pa lang kayo puro ngiti at kindat. Tapos
tuwing may tampuhan may pakipot pa, para lang lambingin nung isa. Asan
na ba ang mga araw na yun? Haaay nako. Kung iisipin mo ang laki na ng
nag-bago. Pero teka, kailangan bang magbago? Hindi di ba? Matamis ang
pag-ibig... Pag mapait na para sa panlasa mo, e di budburan mo ulit ng
"Love" para sweet ulit.
Pag mahal mo kasi ang tao maaalala mo siya kahit saan at kahit anong
oras. Maaalala mo siya habang naka-upo ka sa trono at jume-jebs, maaalala
mo siya pag kinagat ka ng lamok, maaalala mo siya habang nangungulangot
ka (O, pinahid po pa sa pader! Nakita ko yun!).
Maguumpisa kayong manamit ng magkatulad kahit hindi kayo sasayaw. Sabay
manood ng korea-novela na kunwari corny daw. Mabango ka sakanya kahit
hindi ka pa naliligo at amoy palengke ka pa. Tatawa siya sa sasabihin mo
kahit di ka nag-joke. Matutuwa ka sa kababawan niya. Seksi siya kahit
tumataba dahil sa mga tsokolate na binibigay mo (iba naman!).
Away-bati kayo. Makikita ang kahinaan ng bawa't isa. Minsan uulanan
kayo ng sandamakmak na pagsubok. Sorry siya, patawad ka. Patawad ka, sorry
siya ulit. Mamaya-maya tawa na kayo. Magkatabi, hawak-kamay. Nalimutan
na ang away. At ayun habang yakap mo siya at binibigkas ang matatamis
mong salita, matatahimik ka... Humihilik na pala siya. Tulog (aruy!).
Tapos pagka-lipas ng ilang taon at katakut-takot na problema, uuwi ka
sa bahay mapapa-isip, ngingiti at sasabihin sa sarili, "Mahal ko pa rin
siya..." at andun siya naghihintay sinasabi sa iyo ang iniisip mo. Yun
ang pag-ibig.
Posted by yabs on October 29, 2006 at 06:26 AM | 3 Feedback
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.
Kathleen Milan (guest)
Anonymous (guest)
cute_as_ever (guest)