November 30, 2006
Ang Pilipino ng Pag-ibig (Yun Ang Pag-ibig II)
Ito po ay pahabol sa una kong sinulat na pinamagataang "Yun Ang
Pag-ibig"
Sana magustuhan ninyo.
Tinamaan ako! Sing-lakas ng putok ng mamang katabi ko sa jeep. Oo,
tinamaan ako. Hindi ng alak o ng bala, tinamaan ako ng (ahem) pag-ibig. Mga
ilang taon na ang lumipas nang ako'y mabighani pero ika nga ni Gary V.
"Heto nanaman." Napa-isip ako kung bakit ganito katibay ang pag-ibig.
Kasi ang mga ibang bagay kumukupas kasabay ng panahon.
Hayun na nga... ang sagot sa tanong ko. Alam nyo yung nakaka-suyang
pakiramdam kapag nasobrahan ng kain ng instant pancit canton? Well, ang
pag-ibig ay HINDI ganun. Ang pag-ibig ay yung damdamin na kahit ilang
beses mong ulitin, di bumababa ang kalidad ng pakiramdam. Parang yung
"Macho" na feeling kapag nabuksan mo yung bote ng Coke Litro na walang
ibang may kakayahang magbukas.
Kasi ang tunay na pag-ibig ay pang habambuhay. Ibig sabihin ang tunay
na pag-ibig ay, ah, uhm, well... HABANG BUHAY. Katulad ng utang sa
bumbay o ang istorya tungkol sa kung paano ka naka "poo-poo" sa pantalon mo
noong grade one ka. Di na mawawala yun. "Pur-iber" sabi nga ng katulong
ng pamilya ng misis ko.
Syempre pag "pur-iber" ang love na yan, lahat kayang tiisin at
tanggapin. Makalbo ka man, mamatayan ng kuko, maubusan ng pera, mawalan ng
trabaho, mag-ulit ng brief (dugyot!) o makalimutang maghugas ng pinggan,
mamahalin ka pa rin niya.
Paano mo malalaman kung ang pag-iibigan niyo ay pur-iber? Walang
patakarang sinusunod ang pag-ibig. Ngunit para sa akin base sa aking
karanasan, ang tatak ng Pur-iber Love ay hindi lang ang kakayahang magpatawad,
kundi ang kakayahang humingi ng tawad. Hindi lang ang humalik at
yumakap, kundi ang magpahalik at magpa-yakap. Ang pag-ibig na pur-iber ay
makikita sa mga tao na magtetext tapos halos hindi na matulog sa
kahihintay ng reply (na siyempre, dadating kapag tulog ka na). At pag nagising
ka sa text o reply niya na ang laman ay "Sori 4 d l8 reply, m i dsturbin
u?" ang sagot mo naman ay "Hi! no, m awake, cnt slip e. how u na?" At
sa oras na maipadala mo yun, ubos na load mo at lalabas ka ng dis-oras
ng gabi para humanap ng tindahang bukaj pa at may auto-load. Pur-iber
ay yung pupunta lang siya ng kasilyas e may good-bye kiss pa. Yung
tuwing babangon ka para dyumingel ay nagigising siya. Pag-balik mo, kakapain
niya kung naka-tabi ka na sa kanya. Pag may ingay sa bubong, kahit alam
mong hindi akyat-bahay gang yun, ay babangon ka para tignan kasi gusto
mo panatag ang loob ng mahal mo.
Nasusukat ba ang pur-iber na pag-ibig? Hindi po mga kaibigan. Pero kung
susukatin ko, masasabi ko na ang pur-iber ay masmadami pa sa
pinagsama-samang pirated na DVD at VCD sa buong mundo. Masmatibay pa sa mga
"vulleth froof" na shades na usong-uso noong 90's. Mas matinik pa sa mga
ponyboy ng Wright Park at mas marami pang kabit kesa kay Joseph Estrada.
San ka pa? Pur-iber Love na!
Hindi ka talo sa ganung pag-ibig. Tapat, sagrado, mapagpatawad, seryoso
at nakaka-aliw ng sabay-sabay.
Yun ang pagmamahal na pur-iber. Magparamdam ka na!
Posted by yabs on November 30, 2006 at 11:45 PM | Comments
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.