Sa atin pa rin ang lahat ng saya sa apat na taong pagsasama. Ilang libong away na pinagsisisihan at pagkakamaling hindi malimutan. Sa pinagsimulang lambingan at makulay na nakaraan, sa atin pa rin ang kay lalim na samahan. Hindi maipagkaila na ang lahat ay totoo sa apat na taong ikaw at ako. Hinding-hindi malilimutan o kaya'y mapapalitan ang lahat ng kasiyahan na nais balikan. Sa atin pa rin nagsimula ang unang patak ng luha. Sa atin nagsimula ang ngiti ng pagasa. Hindi pababayaan na mawala ang kailanman, sa apat na taon ng pagiibigan. Ikaw lang ang maaalala, sa aking pagtanda. Ako ma'y umiyak sa dala ng tadhana. Sa iyo lang sumaya at di kalilimutan. Sa iyo lang nag-umpisa ang lahat ng kailangan. Apat na taon, sa iyo'y nai-alay, dahil sa iyo lang nag-umpisang mabuhay.

Posted by yabs on September 13, 2007 at 08:43 PM | 1 Feedback

Want to comment with Tabulas?. Please login.

Anonymous (guest)

Comment posted on October 15th, 2007 at 01:28 PM
Kung tayo'y matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooooooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa `yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang `yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan sa `tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin ooooooh
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin hmmmmmm
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko