Bukas, sinong magmamahal sa akin?
bukas sinong nakahandang ako'y yakapin?
lumipas na ang kahapon
at ang hinanakit na ka'y pait.
Patapos na ang ngayon
at ang paghihilom ng aking pagkatao.
Hinihintay ang bukas
at ang dasal ng kailanman.
Makinig sa aking pagsusumamo
buksan ang mata...
Ako'y nandito... naghihintay
nakahandang mabuhay.
Sino ang makikita sa bukas na hinihintay?
Sino ang handang maki-hati sa aking buhay?
Dalampu't Anim na taon ng pagkabigo
Naghihintay ng katotohanang di lubos maintindihan
Ako'y naghihintay
para sa iyo...
sino ka man na bubuo ng aking puso.
Posted by yabs on November 5, 2007 at 07:59 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.