ANG PILIPINO NG PAG-IBIG (PART 2)
YUN ANG PAG-IBIG (PART 3)

Eto nanaman at umabot sa ganito. Yung kunwari'y masaya pero bigong-bigo. Naka-ngiting aso pero nagmumuk-mok sa isang sulok. Nalulunod na sa alak at naguumpisa nang magsawa sa araw-araw na pagluluksa. Sabi nga nila, "Pare kaya ka yata ganyan kasi supot ka pa e..." Tawa ka naman dahil alam mong hindi nila maintindihan na walang kinalaman ang damdamin sa pagiging lalaki o babae. Ang tao pag tinamaan ng problemang puso e walang tama o mali. Walang malakas o mahina. Hindi nakasalalay sa kasarian.

Milyon-milyong lalaki ang humahagulgol na parang walang bukas dahil lang sa linalaman ng puso. Nandyan ang mga pag-ibig na bawal, pag-iibigang hindi bagay, pagmamahalang walang kinabukasan... At ang pinaka-madalas na pagiibigan na alam ng madaming lalaki. Sabay-sabay nating sabihin: "I love you po KUYA!" Wahahahaha! May "Po" na, kinuya ka pa! Sakit ba mga pare? Masanay na kayo.

Kahit ipangako mo ang mga tala, ang buwan, ang araw, ang ulap... Wala yan! Tumanggi na nga sa lahat ng mga ipinangako mo e... susubukan mo pang bigyan ng puso? Aasa ka pa?! Ano yun? Sinusuhulan mo pa ng kung anu-anong pangako? Sa gobyerno lang pwede yan. Hindi sa pag-ibig.

Bigo na nga e. Sasabihin mo na gagawin mo ang lahat para makuha ang kanyang puso't pag-tingin. Palagay mo yung panggugulo mo sa kanya ay nakakatulong? Akala mo pag-umiyak ka ay maaawa siya? Sorry, pero ungas ka ba? Kung hindi ka ba naman isang libo't isang tanga, eto ka pa at sunod ng sunod, kulit ng kulit... Umuwi ka na.

Oo na, alam na namin na nagmamahal ka. Kung alam na ng Buong barangay, sigurado alam na din niya. Ano pa hinihintay mo? Ayaw mo naman sumuko. Away mo ding umuwi. Sige, banat ka pa. Ayaw mo mawalan ng pag-asa e. Basta ba alam mo na pag nabigo ka nanaman wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Asahan mo din na sa paulit-ulit na kawalan mo ng utak at direksyon unti-unting magsasawa ang lahat ng nakikinig sa iyo

Kaya mo pa rin? Itutuloy mo pa rin? Wow... Ilang dosenang iyak, ilang daang novena at ilang milyong "kaya ko pa ito..." na ang pinagdaanan mo. Nandito ka pa rin. Lumalaban. Pare, in-love ka nga. Saludo ako sa iyo. Tibay ng puso mo eh. Iba kang mag-mahal.
Posted by yabs on December 25, 2007 at 10:21 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.