Ang Araw Ko Ngayon
Nagising ako ngayong umaga na walang ibang maisip kundi mga problema. Nagising akong pagod ang utak dahil kahit sa aking napanaginipan kagabi, problema pa rin ang laman. Naalala ko yung dokumentaryong "The Secret" na tungkol sa pagiging positibo araw araw. Sinabi doon na kung paano ka mag-isip ay yun ang makapagsasabi kung anong klaseng buhay o araw ang makukuha mo. Ang leksyon sa dokumentaryong yun ay "always be positive in everything you say or do." inisip ko ito. At naghandang magsalita ng magandang bagay na magdidikta kung anong araw ang naghihintay sa akin ngayon.
Heto na, napa-mura ako... Strike One! Pusang Gala namang buhay ito! Kahit na alam kong dapat positibo ang pagiisip ko, malabasurang mura pa rin ang lumabas sa bibig ko... Putsa talaga... Isa nanamang araw na nabulilyaso ng takbo ng utak ko.
Bago bumangon inamoy ko muna kili-kili ko... Bago kasi deodorant ko at di ako sigurado kung totoo yung "24 hour protection" na yan. Ayos... Ang bango pa... Napa-dighay ako... Hmmmm, Tinapa (Hoy, nagsipilyo ako kagabi, promise!). Ash Wednesday kasi kahapon so isda lang pwede kainin sa bahay. May tatlong tinapa kahapon... Walang tao. Breakfast. Lunch. Dinner. Solb!
Pagkatapos kong kamutin ang mga dapat kamutin ay bumangon na ako. Diretso sa computer at nagdasal na gumana sana ang aking internet connection. Facebook, friendster, multiply, tabulas at siyempre log-in sa yahoo messenger. May message ako sa facebook! "someone has a crush on you! (click here to find out)" So click ako. "Sino kaya yung may crush sakin?" sabi ko sa sarili ko. Ang nakalagay sa mensahe "Daniel Peterson finds you hot and has a crush on you..." at and litrato niya e isang obese, maitim at sobrang balbon na lalaking may hawak na rosas. Napa-mura nanaman ako. Strike Two.
Mukhang siguradong masama araw ko. Lumabas ako ng kwarto at bumamaba papuntang kusina para maka-inom ng tubig. Sabay diretso sa labas para makapag-yosi. Naisipan kong tignan ang sasakyan ko na ipinahiram ko sa kanya kagabi. Nanlaki ang aking mga mata na parang kwagong may insomnia at nakainom pa ng kape habang nagsha-shabu. May malaking gasgas ito sa buong kanang bahagi! Napa-mura ulit ako #@%&*$!!! Strike three.
Well, officially sira na ang araw ko at wala pa tanghali.
Subaybayan ang mga pangyayari ngayong hapon... haha
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.