Hindi ko makuhang ngumiti
Nalimutan na ang tawa
Paranting naka-yuko
Nakabulsa ang mga kamay

Nasaan na ang totoong ngiti?
Nilamon na ng galit at kabiguan

Malalim mag-isip
Sa tuwing nag-iisa
Naiiyak at nababaliw
Sa bawat saksak ng tadhana

Ang  puso'y pumipintig
Sa walang-awang alaala

Kahit anong dasal
Kahit anong pikit
Hindi magawang mawala
Ang sikip ng dibdib

Umalis na't bumalik
Ang impyerno'y nandito pa rin

Sigaw sa langit
Luhod sa lupa
Ang kalbaryong ito'y
Hinding-hindi huhupa

Posted by yabs on March 24, 2009 at 07:24 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.