June 7, 2009
Selda
Narito nakakulong
Sa selda ng katotohanan
Kasama ng mga salita
Na hindi mabitiwan
Ang tanging nilalang
Na walang kakayahan
Walang lakas ng loob
Balot sa katahimikan
Huwad na tapang
Na di kayang takpan
Ang labis na kawalan
Ng paniniwala sa sarili
Gusto ng tagumpay
Gusto ng ligaya
Na hindi kayang patotohanan
Kinagisang kaduwagan
Nakakulong sa takot
Na dala ng kabiguan
Habambuhay na talunan
Dahil ayaw makipagsapalaran
Posted by yabs on June 7, 2009 at 01:23 PM | Comments
Comment with Facebook
Want to comment with Tabulas?. Please login.