Ang pagdampi ng araw
Sa aking peklating balat
Na limang minuto lang
Maaaring malasap

Sa pagdating ng ulan
Na dala ang dilim
Mistulang ulo ang araw
Mga ulap ang dibdib

Muling mababasa
Muling manlalamig
Nanginginig na katawan
Sa nalulunod na daigdig

Iisang hiling
Sa araw na nakatakip
Mainit na ulan
Sa panahon ng tag-lamig

Dala ang ginhawa
Mga alaala ng kailanman
Mukhang naka-ngiti
Habang naliligo sa ulan

Ito ang aking dasal
Sa panahon ng tag-lamig
Mainit na ulan
Ibuhos sa daigdig

Posted by yabs on June 26, 2009 at 10:32 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.