Entries for April, 2010

Di mapakali

Sa dami ng iniisip

Tulog na hindi makuha

Kahit ilang oras nakapikit

 

Mga pangarap at takot

Na gabi-gabi'y natatanto

Mga magagandang hangarin

At mga pala-isipang dala'y kilabot

 

Habang lahat ay natutulog

Malalim, mahimbing

Ako'y naliligaw

Sa panaginip ng gising

 

Lahat na'y napag-isipan

Mga ayaw at gusto

Habang sila'y humihilik

Ako'y gulong-gulo

Posted by yabs on April 8, 2010 at 03:49 PM | Comments

Tossing and turning

At the weight of these thoughts

Far from the slumber I desire

Forcing my eyes shut

 

The desires and fears

I weigh every night

All the wonderful hopes

And thoughts of spine-tingling fright

 

While all of them sleep

So restful, so deep

I am unbearably lost

Dreaming but awake

 

So much has been pondered

Some I love and some I hate

While they all restfully snore

My thoughts are in conflict

Posted by yabs on April 8, 2010 at 04:07 PM | Comments

Surrounded by great sorrow

Of tears here and there

To stand in one corner... a Spectator

One unable to feel... Afraid to feel

 

Knowing the pain of loss

That time has mended but never erased

Knowing that their pain is the same

And yet so extremely different

 

Do I smile when they greet?

Do I bow in solemn empathy?

Extend my hands in full sympathy?

Or do I stand here...

 

I spin the web of stories

Of strands laden with light jokes

A compensation for my ability to feel

But inability to express in immediacy

 

Words I could have wholeheartedly said

Gestures I would have distinctively shown

But I could not... For this was their moment..

Their moment to mourn...

 

In honor of a person who meant a lot to them

I stood in the corner... Trying not to be noticed

To let them mourn... Cry... Remember...

And say goodbye...

Posted by yabs on April 27, 2010 at 01:53 AM | Comments

Bakit kaya sa laki ng kubetang ito, sa toilet bowl pa mahuhulog ang sabon?

Bakit kaya sa dinami dami ng lugar na pwedeng maiwan ang susi ng bahay, e sa LOOB pa ng bahay?

Bakit kaya sa dami ng siyudad, barangay at barrio sa Pilipinas, masisiraan ka pa ng sasakyan sa lugar na walang katau-tao?

Bakit kaya sa dami ng baryang di mo pinapansin ngayon ka pa magkukulang ng singkwenta sentimos?

Bakit kaya sa pitong araw ng isang Linggo sa rest day ka pa mapapagod ng todo?

Bakit kaya sa lahat ng panahon na dala mo ang camera mo, ngayon pang di mo dala magkakaroon ng kakaibang pangyayari na sana nakuhanan mo?

Bakit kaya sa dinami dami ng sigarilyong dala mo, kung kailan mo kailanagan ng yosi, saka pa mapuputol ang pinaka huling stick?

Bakit kaya sa panahon na naitigil mo na ang inom at sigarilyo, doon pa magkakaroon ng sobrang daming parties na lahat umiinom at nagyoyosi?

Bakit kaya kung kailan pa ang math exam mo, yun pa ang araw na mawawala calculator mo?

Bakit kaya kapag nakahiga ka na para matulog, ay maaalala mong may gagawin ka pa pala?

Bakit kaya sa kinabukasan na may importante kang gagawin, hindi ka makatulog ng matino?

Bakit kaya kung kailan last candy mo na saka pa mahuhulog sa lupa ang candy?

Bakit kaya buong araw kang naka-upo sa kubeta para mag poopoo pero ayaw... tapos pag labas mo ng bahay dun mo mararamdaman ang pangangailangang jumebs?

Posted by yabs on April 29, 2010 at 03:38 AM | 1 Feedback
« 2010/03 · 2010/05 »