Ako'y naiinis
Sa iyong mga ngiti
Kawawang nabibingi
Sa iyong dalamhati

Pigil na natatawa
Sa iyong pekeng pagluha
Nahihiya at naiinis
Sa iyong salitang puro pagmumura

Sa iyong mga sinasabi
Na akala mo'y may talino
Walang pinatutunguhan
At halatadong bobo

Magsalita ka pa
Kung yan ang gusto
Bukasan ang bibig
Palabasin ang baho

Araw-araw manamit
Na mistulang pakawala
Dahil ang lahat ay maiintindihan
Kapag ikaw na ay matanda

Posted by yabs on June 6, 2010 at 02:47 AM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.