Yun ang problem sa tao... Nagrereklamo sila pag malungkot sila. Simple lang ang sagot diyan, hindi trabaho ng ibang tao ang pasayahin kayo. That's something you need to do on your own. Hindi pwedeng lahat ng nawawala sa buhay niyo, akala niyo mahahanap niyo sa iba.

Hindi pwedeng sabihin mong gusto mong bumalik ang tao o maayos ang problema habang lahat naman ng lumalabas sa bibig mo ay reklamo at sama ng loob.

Hindi lahat ng bagay sikreto hindi din lahat pwedeng ipag-sabi sa iba. Hindi ka pwedeng magtanong kung ano ang problema habang ang katotohanan ay alam mo na pala.

Hindi ka pwedeng mag-sorry kung alam mong uulitin mo din lang ang problema. Hindi ka pwedeng magalit kapag nagdesisyon ang isang tao tungkol sa buhay niya.

at kung hindi mo alam kung ano talaga ang problema, hindi mo maintindihan ang reklamo o hindi mo gustong tanggapin ang katotothanan... yun ang pinaka malaking patunay na hindi kayo pwedeng magsama.

Posted by yabs on July 18, 2010 at 03:22 PM | Comments

Want to comment with Tabulas?. Please login.